여성 결혼이민자를 위한 한국어교재(타갈로그어 초급) 여성가족부 발행
Hangugo(Basic).pdf
http://edu.woosuk.ac.kr/~yjchang/Koreanedu_Hangugo(Basic).pdf
Pangunahing Aralin sa Hangugo (Basic)
PAUNANG SALITA
Nilalaman
HANGUL
1. KUMUSTA?
2. ANO ANG IYONG NASYONALIDAD?
3. ITO ANG AKING INA.
4. MAGKANO?
5. BIGYAN NYO PO AKO NG TATLONG PIRASONG MANSANAS
6. ANONG ORAS NA NGAYON?
7. KAILAN ANG IYONG KAARAWAN?
8. MAG-ARAL NG HANGUGO.
9. KIMCHICHIGE ANG PINAKAGUSTO KO.
10. NASA IBABAW NG MESA.
11. GUSTO KONG BUMILI NG ITIM NA PANTALON.
12. HELLO?
13. GAANO KALAYO HANGGANG UMNAE?
14. PAANO PAGPUNTA SA ISTASYON NG SINSULDONG?
15. MASAKIT ANG TIYAN KO.
16. HUWAG KANG KUMAIN NG ANUMANG MALAMIG.
17. MAKAKAPUNTA KA BA SA BAHAY NAMIN?
18. KAKAIN AKO NG KALGUKSU.
19. ANONG GAGAWIN MO NGAYONG DARATING NA LINGGO?
20. PAKIPADALA SA PILIPINAS.
21. NAKAPUNTA KA NA BA SA PALENGKE NG DONGDAEMON?
22. NAKASUOT NG SUMBRERO.
23. ANONG PAGKAIN ANG LULUTUIN NATIN SA CHUSOK?
24. MAKINIG NG MABUTI SA GURO.
Apendix
PAUNANG SALITA
Isang malugod na pagbati sa mga mag-aaral na gagamit ng aklat na ito.
Iniisip ng karamihan na ang Hanggugo ay isa sa mga pinakamahirap pagaralang
wika. Gayon pa man, ito ay maaring mahirap o madali ayon sa
inyong sariling pananaw. Ang aklat na ito <Pansariling Pag-aaral ng
Hangugo para sa mga Imigranteng Kababaihan> ay inilathala para sa
madaling paaran ng pag aaral ng wika at matulungan ang mga Filipina na
makapamuhay ng maayos sa Korea. Ang aklat na ito ay naglalaman ng
mga karaniwang sitwasyong nangyayari sa pang araw-araw na
pamumuhay; kakayahan at; talahulugan. Kung mag-aaral ng mabuti sa
tulong ng aklat na ito ay matutunan ninyo ang mga pangunahing kaalaman
tungkol sa pamumuhay sa Korea at wikang hangugo.
Ang aklat na ito ay binubuo ng mga sumusunod:
Nilalaman - Ipinapakita nito ang mga pahina at pamagat ng bawat
kabanata.
Talaan ng Mga Pag-aaralan - Ipinapakita ang kabuuan at nilalaman ng
bawat kabanata.
Hangul - Sa bahaging ito ay matututunan ninyo ang alpabetong hangugo
katulad ng patinig at katinig.
Kabanata 1~24 - Mapag-aaralan ninyo ang pagsasalita, pagbabasa,
pagsusulat at pakikipag-usap, talahulugan, tamang pagbigkas at gamit ng
balarila.
Apendix - Ipinapakita nito ang di-karaniwang anyo ng pandiwa at pang-uri.
Tingnan naman natin ang bawat kabanata kung paano ninyo ito pagaaralan.
Paksa - Ipinapakilala nito kung ano ang dapat ninyong pagtuunan sa bawat
kabanata. Dapat ninyong basahin ang bahaging ito bago nyo simulan ang pagaaral.
Pag-uusap - Sa bahaging ito ay may mga maiiksing pag-uusap batay sa
tunay na karanasan ni Tina sa Korea.. Ang pag-uusap ay nakatuon sa
karaniwang pagpapahayag na ginagamit ng mga Koreano. Dapat ninyo
itong basahin ng malakas at paulit-ulit.
Sitwasyon - Ipinapaliwanag nito ang sitwasyong nagaganap sa pag-uusap.
Basahing mabuti upang higit na maunawaan kung ano ang pinag-uusapan.
Talahulugan - Ipinapakita nito ang mga bagong talahulugan na mababasa
sa pag-uusap. Ipinapakita rin dito ang pangunahing anyo ng pandiwa at
mga kasalungat na kahulugan.
Pagbigkas - Mababasa dito ang mga salitang mahirap bigkasin. Ang
pagsasanay ng tamang pagbigkas ay isang napakahalagang bagay upang
masanay sa maayos na pagsasalita ng hangugo.
Balarila - Bawat kabanata ay nagbibigay ng 1-3 bahagi ng balarila.
Ipinapaliwanag din ang balarila at may nakasulat na dalawa o tatlong
halimbawa.
Pagsasanay - Maaari nyong alamin ang inyong kakayahan sa inyong pangunawa
sa mga balarilang pinag-aralan. May ibat-ibang paraan o uri ng
tanong sa bahaging ito at pagpapaliwanag na makakatulong.
Pagbasa - Sa bahaging ito ay mapag-aaralan ang mga sulat hangugo.
Mababasa ninyo ang mga simpleng impormasyon o sulat kasabay ng
pagbabasa sa hangugo. Kailangang magsanay magbasa ng malakas sa
bahaging ito.
Pagsulat - Makakapagsulat kayo rito ng mga araling pinag-aralan ninyo sa
bahaging ito. Magkakaroon din kayo ng pagkakataong magsulat o gumawa
ng dokumento o sulat. Ipagpatuloy ang pagsasanay ng pagsusulat.
Ngayon, simulan na natin ang pag-aaral ng Hangugo.
'나의 이야기' 카테고리의 다른 글
오카리나 연주/대황하 소지로 (0) | 2009.02.25 |
---|---|
[스크랩] 농촌여성결혼이민자 위한 한국어 교재 출간 (0) | 2009.02.09 |
쌍둥이 익사사고 서명 부탁드립니다. (0) | 2008.11.20 |
[스크랩] 오카리나 초보용 악보 올립니다. (0) | 2008.10.24 |
[스크랩] 캐논(변주곡)-악보첨부하였습니다- (0) | 2008.10.24 |